Mabuhay ang Pilipinas!

Tuesday, June 12, 2007

Ang araw na ito ang ika isang daan at siyam na anibersaryo ng ating kalayaan. At dahil espesyal ang araw na ito para sa ating mga pilipino, pipilitin kong magsulat sa sarili nating wika kahit pa ako ay isang Bisaya at mas bihasa pa sa pag gamit ng wikang Ingles kaysa sa wikang Filipino.

Gaya nga nang sabi ko, anibersaryo ng ating kalayaan ngayon. Kung ating matatandaan, simula pa noong bata tayo ay tinuro na sa atin nang ating mga magulang at mga guro sa elementarya kung ano ang Araw ng Kalayaan, Bakit ito importante para sa ating mga pinoy at kung bakit natin ito ipinagdiriwang taon-taon. Para sa mga taong hindi alam ang sagot sa mga katanungan ito, pasensya na kayo at hindi ko maipapaliwanag o masasagot kayo dahil ako ay isang estudyante lamang at hindi guro ng Kasaysayan. Kung baga, kung ano ang alam ko ay itatago ko nalang sa aking puso. *taray! HAHA

Dahil nga araw ng kalayaan ngayon, marami sa ating mga ahensyang gobyerno ang ipinagdiwang ang araw na ito dahilan para ako ay mairita bakit? kasi naman grabeh ang traffic kanina dito Cebu. May mga parada kasi sa daan at meron ring nagwewelga. Talagang inis na inis na talaga ako. Tumatagaktak na ang aking mga pawis sa loob nang jip at nangangamoy usok na ako, sira narin pati porma ko. Grabeh talaga!

Pero pansin ko lang, hindi ko yata naramdaman ang halaga nang araw na ito sa ating mga kababayan. Wala akong nakikitang nakasabit na watawat sa mga kabahayan o sa mga opisina. May parada nga pero pgkatapos nun? alam ba nang lahat kung bakit may parada? o gusto lang nilang makakita ng mga tumutugtog na banda sa daan? Sa jeep nga tinanong ako ng katabi kong ale kung bakit may nagpaparada at nang sinagot ko siya na "araw po ng kalayaan ngayon" ang naging tugon lang niya ay "ah ok, mahalaga pa ba yan? puwermisyo lang ang dulot nyan". Napapaisip tuloy ako na maaring tama nga si Ale. Isa lang siguro siya sa mga libo-libong pilipino na hindi binibigyang importansya ang araw na ito. Hindi naman natin sila masisisi dahil sa mga pinagdadaanang gulo ng ating bayan ngayon. Malaya nga tayo sa mga mananakop na mga dayuhan pero naging malaya ba tayo sa isang dictador? Kung ang mga ninuno natin ay ipinaglaban hanggang sa kamatayan ang kalayaang inaasam-asam nila laban sa mga mapang aliping dayuhan, bakit karamihan sa ating mga kababayan ay pumupunta sa mga dayuhang bansa para mag trabaho doon. Bakit nagpapaalipin pa rin tayo sa mga dayuhan kung talagang malaya na nga tayo? Bakit gusto natin ang mga gamit na nila kung ang mga ninuno natin itinakwil sila sa ating bayan isang daan at siyam na taon na ang nakaraan? Talaga nga bang malaya na tayo? Dapat pa bang ipagdiwang natin ang ating Kalayaan taon-taon?

Napakahirap talagang maging isang tunay na pinoy pero alam nyo? bilib ako sa lahi natin bakit? napagdaanan na kasi natin lahat ng problema sa mundo pero ito pa rin tayo..tinatawanan lang natin ang mga problemang ito. Saan ka makakita ng ganyan sa buong mundo?

Akalo ko maikli lang ang maisusulat ko ngayon kasi hirap akong magtagalog pero heto..naka-ilang salita na ako, parang pang talumpati diba?HEHE. Pasensiya na lang po sa mga marunong mag tagalog na bumabasa sa sulat kong ito. Mali-mali po ang tagalog ko..pwede nyo po itong pintasan pero nais ko lang malaman nyo na ngpakahirap po ako para dito..HAHA
MABUHAY ANG PILIPINAS!

You Might Also Like

0 comments